header image
 

“Kundiman at Rebolusyon”

Sa tuwing kita’y mamamasdan
Sa tuwing ika’y naririyan
Hatid kong sabihin ang tanging pagtingin

Di man nasasambit
Ng puso ang tanging pagibig
Ang bawat kataga, sa aki’y panata

Kahit mayrong balakid
Pilit kang aabutin
At ang bawat wagas, ang puso ko’y habilin ko sa iyo

Sa tuwing tayo ay magkasama
Sa piling ng masang sinisinta
Lalong napapanday ating pagbibigkis

Bawat panaho’y ibibigay
Ang buhay handang ialay
Pagsuyo nating dalawa, dalisay ng digma

Kahit mayrong balakid
Ating babagtasin
At ang bawat wagas
Pagibig ay alay sa isa’t isa

Kahit mayrong balakid
Ating babagtasin
At ang bawat wagas
Pagibig natin alay sa sambayanan

~ by invictus-1997 on April 21, 2008.

Leave a Reply